Unit 2012 Cityland Herrera Tower 98 V.A Rufino Cor. Valero ST. Bel-Air Makati City 1209

(02) 7915 4313

[email protected]

WHENEVER YOU CONSIDER GIVING UP, KEEP IN MIND WHAT MADE YOU STARTED.

Posted by

Faith, it does not make things easy, it makes them possible. – Luke 1:37

Maybe some of you kabi-kabilang problema ang kinakaharap since last month, last week, yung iba this week lang. At dahil sa sobrang dami ng problema na hindi matapos tapos at hindi maubos-ubos, minsan naiisip nalang natin na sumuko nalang. Maglaho nalang muna panandalian at babalik nalang tayo kapag tapos na at lumipas na ang bawat problema.

Yung iba naman sa inyo gabi gabi pumapatak ang luha mula sa sa kanilang mga mata upang maibsan ang kanilang nadarama at kinukwento Kay Lord lahat ng bigat na dinadala o nararamdaman. Ang sarap lang sa pakiramdam kapag alam mong sobrang dami na ng dinadala mo, Yung bang sa sobrang bigat ay pagod kana at feeling mo babagsak kana, pero bigla mong maaalala ang sabi Ni Lord sa kanyang salita na “Anak lahat ng iyong dinadala, Lahat ng iyong bigat, ibigay mo sakin at ikaw ay bibigayn ko ng pahinga.” (Matthew 11:28)

Buti nalang talaga may Diyos na handang sumalo sa tuwing tayo ay pabagsak na at waring hindi na natin alam kung ano ang ating gagawin. And it’s a reminder for us, na kapag hindi mona kaya at pasuko kana, Magpahinga ka muna sa presensya Niya. Dahil Kay Lord natin madadama ang tunay na kapayapaan. Kay Lord natin makakamtaman ang tunay na kapahingahan na hinahanap natin.

Huwag kang sumuko kapatid. Pwedeng pagod kalang, pero hindi ibig sabihin tapos na ang laban. Hindi ibig sabihin tapos na ang buhay. The best is yet to come. Kaya huwag kang susuko kapatid. Mahal ka Ni Lord, May mga taong nananalangin para sa iyo. Nandiyan din yung mga taong naniniwala sa iyo. At umasa ka na sa bawat dasal mo, May Diyos na nakikinig. May Diyos na handang dumamay, At may Diyos na handang sumalo. Balik kalang sa Krus. Sa kabila ng paghihirap niya para lang iligtas ka sa kasalanan mo, Kung kinaya ni Hesus sigurado akong makakayanin mo din lahat ng laban mo ngayon. Keep the faith Kapatid! Padayon lang.

发表回复

您的邮箱地址不会被公开。 必填项已用 * 标注